Wednesday, April 17, 2013

deboto ng MRT



Simula ng lumipat ako dito sa Maynila, naging bahagi na ng buhay ko ang usok, ingay, dumi, at init ng lugar. Araw-araw yan sa ginawa ni Batman, walang panahon na hindi ako nakalanghap ng usok mula sa sasakyan. Naging bahagi na rin ng buhay ko ang mga jeepneys, buses, at higit sa lahat ang MRT.

MRT na yata ang pinakapinipilahang istasyon ng ng mga pampublikong sasakyan dito sa ating bansa, lalong-lalo na dito sa Kamaynilaan. Mula alas-singko ng umaga hanggang alas-dyes ng gabi abalang abala ang MRT sa paghahatid ng mga parokyano nitong halos isang oras pumipila para lang makasakay, (kapag rush hour).

Ako bilang isang parokyano ng MRT, masasabing kong mas mabilis at mas mura ang pamasahe kung sasakay ako dito, pero ano bang meron bakit marami ang mainit lagi ang ulo na mga parokyano sa paggamit nito?

Tuwing umaga mistulang pila ng relief goods sa isang lugar na sinalanta ng unos, ang pagkakaiba nga lang, mga nakalongsleeves at magagandang damit ang makikita mo dito,  ang matutunghayan mo sa North Avenue station ng MRT sa haba at laki ng pila, pati kabilang kalsada at footbridge ay puno ng mga parokyanong mahigit isang oras ng nakapila para lang makasakay dito. Grabe noh? isang oras, napakaraming bagay na ang pwedeng magawa natin dun, yung iba, nakabenta na sana ng kanilang produkto, yung iba nakagawa na siguro ng mga financial report, o yung iba hindi hindi malalate sa trabaho. Oo nga mabilis, pero mantakin mo naman yung ilang oras ka pipila para makasakay lang...

Isa pang pagsubok bago makasakay sa tren ay ang makipaggitgitan (literal). May kaibigan ako, medyo hindi siya katangkaran, grabe, kawawa naman laging natatabunan ng naglalakihag tao. Sabi pa nga ng ibang pasahero, "kahit hindi na tayo humawak nito sa hand rails, hindi naman tayo matutumba". Oo, tama nga, hindi ka talaga matutumba dahil talo pa ang mga sardinas sa loob lata dahilcsa sobrang siksikan, kung hindi ka makikipagpalakasan kawawa ka.

Pero bakit nga ba hanggang ngayon ganito pa rin ang serbisyo ng MRT? Nakasakay na ako sa dalawang ibang electronic train dito sa Maynila, ang LRT 1 (Roosevelt to Baclaran) at LRT 2 (Recto to Santolan). Mahaba ang kanilang mga tren, mula sa dulo ng deck hanggang sa kabila abot ang tren kaya mas marami ang nasasakay nito. Kung ikukumpara natin sa MRT na maiksi ang mga tren. Mas malawak din ang loob ng mga tren ng LRT 1 at 2 at mas mataas ang ceiling compared sa mga tren ng MRT.

Mas mas mabilis magload at unload ng mga pasahero ang dalawang LRT, wala lang akong kumpletong statistics kung mas marami ang ang tren ng dalawang LRT. Napansin ko kasi, may luma at may mga bagong tren ang LRT ibig sabihin lang nag-a-upgrade sila. Ang LRT 2 naman halos lahat bago at malalawak ang loob ng kanilang mga tren compared sa MRT. Yung isang tren nga sa MRT muntik nang mahulog yung kisame sa may pinto dahil maluwang na ito at natatanggal na (scared much ako noon).

Alam naman natin na gumagawa ng paraan ng pamunuan ng MRT para mas mapaganda ang serbisyo nila sa mga parokyano nito. Pero sana naman maramdaman namin ang ganda at bilis ng serbisyo upang sa gayon mas maappreciate namin ang ganda nito at hindi masayang ang oras namin sa pagpila.

PS:

Just a strange idea out of the blue, what if yung ibang tren kaya eh pagdugtungin na lang para at least mas marami ang maisakay nito para at para rin mas mabilis ang departure ng isang tren sa bawat station upang sa gayon maiiwasan ang pagkakaroon ng traffic sa MRT. May point ba? Kasi noong huling sakay ko, may traffic daw sa mga tren.. Nagulat ako? What?! traffic?

Kailangan ba dadating yung sinasabing karagdagang mga tren? :)

Sunday, April 7, 2013

Short Essay on Life by Bunty Rane


Life is beautiful but not always easy, it has problems, too, and the challenge lies in facing them with courage, letting the beauty of life act like a balm, which makes the pain bearable, during trying times, by providing hope


Happiness, sorrow, victory, defeat, day-night are the two sides of the me coin. Similarly life is full of moments of joy, pleasure, success and comfort punctuated by misery, defeat, failures and problems. There is no human being on Earth, strong, powerful, wise or rich, who has not experienced, struggle, suffering or failure.

No doubt, life is beautiful and every moment – a celebration of being alive, but one should be always ready to face adversity and challenges. A person who has not encountered difficulties in life can never achieve success.

Difficulties test the courage, patience, perseverance and true character of a human being. Adversity and hardships make a person strong and ready to face the challenges of life with equanimity. There is no doubt that there can be no gain without pain. It is only when one toils and sweats it out that success is nourished and sustained.

Thus, life is and should not be just a bed of roses; thorns are also a part of it and should be accepted by us just as we accept the beautiful side of life.

The thorns remind one of how success and happiness can be evasive and thus not to feel disappointed and disheartened rather remember that the pain of thorns is short-lived, and the beauty of life would soon overcome the prick of thorns.

Those, who are under the impression that life is a bed of roses are disillusioned soon and become victims of depression and frustration. One who faces difficulties with courage and accepts success without letting it go to its head is the one who experience real happiness, contentment and peace in life.

Those, who think, that good times last forever, easily succumb to pressure during difficulties. They do not put in required hard work and efforts because they break down easily.

You can take the example of a student, who burns the mid night oil, makes sacrifices and resists temptations so that he can perform well. Similarly, a successful executive has to face the ups and downs of life, not forgetting that life is a mix of success and failure, joy and sorrow.

If he loses hope during difficult times, he would not achieve success and would be replaced by others. Even the strongest Kings and Emperors have had their cup of woes.

Life has not been a bed of roses for them. The adage ‘Uneasy lays the head that wears the crown’ has been rightly used for people, who are successful and are enjoying power and authority.

To sum up, life is beautiful just as roses but it has challenges which are like thorns and have to be faced and overcome by all. Those, who accept these, challenges and succeed, are the ones, who know how to live life in its true sense. Thus, enjoy life but also be prepared to bear the pricks of pain.

cited from: http://www.shareyouressays.com/84262/short-essay-on-life

Tuesday, March 26, 2013

ano?


Araw araw tayong binibigyan ng biyaya galing sa Maykapal. ang magandang umaga, ang hangin, ang pagkain, at higit sa lahat ay ang buhay.

Kelan nga ba tayo huling nagpasalamat para sa mga biyayang natanggap natin? Ako, madalang lang, kapag naisipan ko, pero sigurado ako na nagpapasalamat ako kahit gaano man ito kaliit.

Napakaraming mga bagay na ang umaabala sa ating mga buhay ngayon, nakakalimutan na nga nating magkaroon ng saglit na katahimikan sa isang araw para makapagmuni-muni diba? Makakakita ka ng mga taong kahit naglalakad may nakasaksak na earphones o kaya naman ay kung ano-ano ang kinukutingting sa mga gadgets.

Marami na tayong natanggap na biyaya sa ating buhay, pero sabi sa akin ng isang kaibigan, "anong silbi ng biyaya kung hindi mo ito alam ibahagi sa iba?" Oo nga, tama siya, anumang dami o liit ng biyaya natin dapat alam natin ibahagi ito. Mas marami ka pang matatanggap kung marunong tayong ibahagi sa iba ang kung anong mayroon tayo.

Naalala ko tuloy nun nagtatrabaho pa ako sa McDo bilang isang service crew, napakaliit lang ng sahod ko noon, pero masaya ako lalo na noong binilhan ko ng gamit sa school yung isang paslit. Mula sa bag, notebooks, lapis, crayons, basta lahat nabili ko para sa kanya. Oo, masakit talaga sa bulsa yun, grabe, pero noong makit ko yung ngiti noong batang iyon  parang ano ba ang limang daan piso kung makapagbibigay ka ng saya sa isang batang paslit na kailangan nya yun. 

Sabi nga ng isang kaibigan, kung magbibigay ka dapat masaya hindi yung napipilitan kasi baka sumakit ang tiyan nun pinagbigyan mo. Heheh, pero totoo, mahal ng Diyos ang masayang nagbibigay. At sabi din ng isang kaibigan, mararamdaman mo ang totoong essence ng pagbibigay kung masasaktan ka yung tipong isusubo mo na, ibibigay mo pa.

Naisip ko lang, sa sarili ko, nasaan na ba ako ngayon in terms of pagtulong ko sa kapwa? Pinabayaan ko na ba ang responsibilidad ko na tumulong sa mga kapatid natin? Oo, responsibilidad, kasi hindi pa man tayo nagkakamalay lahat tayo ay inatangan na ng isang malaking responsibilidad iyon ay ang pagsilbihan ang ating kapwa ng bukal sa ating puso at konsiyensiya.

Ilang beses na nga ba tayong nagsakripisyo para sa ikabubuti ng iba? O tayo yung tipo ng taong gusto lang natin lagi lahat kumuha ng pabor para sa sarili nating ikabubuti?

Naalala kong yung isang tagline ng leading soft drink. "ikaw, sino ang napasaya mo today?" Napakagandang point of reflection para atin ang tanong na iyon, bakit kamo, kasi napakasimpleng tanong, pero napakabigat na kahulugan ang tinataglay. Sa araw araw ba ng buhay natin, may napapasaya ba tayong isang tao bagi tayo matulog o puro sama ng loob lamang ang binibigay natin? Ang saya hindi naman nangangahulugan ng regalo o anumang materyal na bagay. May napangiti ba tayo ngayong araw na ito?

Sabi nga nun kaibigan ko, ano ba ang role mo sa lipunan? Ikaw ba yung nakikibahagi? O ikaw yung kumuhuha  lang nga bahagi?

Ikaw? Ano ka ba dito?

Sunday, March 24, 2013

DIPLOMA MILL



Graduation season na naman, at ngayong taong ito, panahon rin ng eleksyon dito sa Pilipinas. Maraming masasayang pamilya, mga magulang na naluluha dahil nakapagpatapos sila ng kanilang mga anak sa kabila ng hirap ng buhay. May mga indibidwal din na masaya dahil sa nagbunga na rin ang kanilang pagsusumikap para makatapos lamang sa kolehiyo. Pero ang malaking katanungan, hand aba ang lahat n gating mga bagong propesyunal na harapin ang hamon ng isang mangagawa? O hanggang sa ligaya na lang ng pagiging estudyante?
Iyan ang pinaka-isang bagay na napansin ko ditto sa atin, oo, nakapagtapos nga tayo ng kolehiyo, pero handa ba tayo o may mga nakalaan ba na trabaho para sa ating kursong tinapos? Sa probinsya na lamang na aking pinanggalingan.

Taun-taon, mahigit isang libong college students ang nagtatapos sa halos lahat ng pamantasan sa aming lugar. Pero san mo makikita ang ilan? Maswerte na nga yung may trabaho kahit wala sa kanyang linya. Pero ito ang masaklap, karamihan sa mga graduates ay walang trabaho. Ayun, makikita mo na lamang sila sa bahay nila, sa computer shop, o kahit saan. Yung iba naman sa mga grocery stores bilang cashier, promodizer, or bagger (college graduate yun ah), hindi naman sa minamaliit ko yung ganun na trabaho, hindi lamang ito akma.

Malungkot man sabihin pero ito ang reyalidad na nararanasan natin ngayon, maraming mga kabataan ang hindi nabibigyan ng kaukulang kasanayan upang linangin ang kanilang kaalaman sa totoong buhay. Para nang mga kabuteng nagsusulputan ngayon ang mga paaralan ng nagbibigay ng mas mababang matrikula sa atin, pero sapat na ba yun para isakripisyo natin ang ating kinabukasa? Oo, maaring nasa mga tao rin ang kamalian, pero malaking papel ang ginagampanan ng mga paaralan para maghubog ng kaalaman ng mga kabataan. It’s not just for the matter of graduating; it must be the life after graduation. Anong silbi ng diploma mo kung hindi naman gagamitin? Para lang ba masabi na “college graduate” ka o “degree holder”? Yan na ang kalakaran dito sa Pilipinas.

May mga trabaho nga ang sabi “any four-year course” ang kailangan nila para tanggapin ka sa trabaho. Siyempre kahit ako, na walang trabaho kakagatin, ko yun. Pero ano sa palahay natin ang magiging epekto nun? Mabagal na produksyon, kasi ang mga tao hindi parepareho ng tinapos at kailangang pa nilang pag-aralan ang kung ano mang tabahong yun. Oo, lahat ng empleyado mo “college graduate” pero anong uri ng trabaho ang tinatrabaho nila?

Parang ang Pilipinas na yata ang pinakamalaking pagawaan ng mga diploma dito sa mundo? Bakit kamo? Mura ang edukasyon sa atin, kaya nga napakaraming mga dayuhan na pumunta dito para makakuha ng diploma eh, (pwede pa ngang ipagawa sa Recto eh). Kahit anong reporma sa edukasyon ang gawin natin kung patuloy pa rin ang kalakaran ng ganito patuloy na magiging mababa ang kalidad ng ating mga propesyunal dito mismo sa atin.

Sana naman magkaroon ng regulasyon ang CHED na kontrolin lahat ng paaralan na magbigay ng mga kursong kulang naman sa kasanayan ang mga guro na ituro ang mga ito. Nagiging negosyo na kasi pati ang kalidad ng ating edukasyon. Sana ipasara na lahat ng low performing schools. At magkaroon ng tracer study for the employment rate ng kada school ang CHED upang sa gayon mamonitor ang mga paaralang diploma mill ang papel sa ating bansa.

Marami naman tayong mga State Universities na bukod sa mura na ay hindi maikakaila ang kalidad dahil minomonitor din sila ng AACCUP, kesa naman sa mag-aaral ka sa private school na mura nga pero ano naman ang ibibigay sayong pangalan? Mga out-of-this-world na pangalan ng school. Saan ka pa? May mga private school din na mataas ang kalidad ng pagtuturo kahit hindi masyadong kilala, basta tingnan muna natin yung mga accreditation status ng mga ito or kung accredited nga ba ito ng mga agency na recognized by CHED or FAAP (PAASCU, PACU-COA, at iba pa) para hindi tayo magoyo ng mga putso putsong school piliin din natin ang kanilang performance sa board- exam (kung may board ang kukunin mong kurso).

Tulungan natin ang ating mga kababayan na pumili ng tamang desisyon para kinabukasan. At sana ang mga tagaCHED ay bigyang kaukulang aksyon ang bagay na ito para hindi naman masayang ang pinaghirapang panahon at pera ng mga tao para makatapos ng pag-aaral.

Sana hindi na tayo muli pang bansagan na diploma mill at maipagmalaki natin na propesyunal tayo hindi yung college graduate lamang o sa papel lamang.

(pakiedit na lamang po, or just comment na lang po, pakishare na rin)